Facebook PixelSnack | Edgar Calabia Samar
LoginSign up for free
avatar

Edgar Calabia Samar

Access all of Edgar Calabia Samar's published works!


Picture of EBOOK: Minamahal ang Dinadala Mo sa Paglisan: Mga Pagsasanay sa Pagsusulat at Pag-iisa
₱150

EBOOK: Minamahal ang Dinadala Mo sa Paglisan: Mga Pagsasanay sa Pagsusulat at Pag-iisa
Mga pagmumuni sa halaga ng panitikan at bayan, mga pagsisiwalat ng niloloob at paninindigan, mga pagharap sa takot at kahinaan—at tinipon ko ang labindalawang sanaysay na iyon sa aklat na ito. Lagi’t lagi akong hinahamon ng pagsusulat na magbago hindi sa ngalan ng pagbabago kundi sa ngalan ng mundo na gusto nating magpatuloy sapagkat isinasalba tayo nito sa araw-araw na takot sa hanggahan ng kabaliwan at totoo.
Picture of EBOOK: Isa Na Namang Pagtingala sa Buwan (Bagong Edisyon)
₱150

EBOOK: Isa Na Namang Pagtingala sa Buwan (Bagong Edisyon)
Narito ang bagong edisyon ng chapbook ng tula na unang nalathala noong 2005 bilang bahagi ng Ubod New Authors Series ng National Commission for Culture and the Arts. Idinagdag din sa edisyong ito ang kritikal na sanaysay na “Paghawak sa Panahon: Ang Salaysay bilang Talinghaga sa Tula” na unang nalathala sa The Loyola Schools Review.
Picture of EBOOK: Hindi Tayo Tinuturuan Kung Paano Hindi na Magmahal: Araw-Araw na Tweet sa Pag-ibig (May mga Guhit ni Hans Ericson Cayabyab)
₱150

EBOOK: Hindi Tayo Tinuturuan Kung Paano Hindi na Magmahal: Araw-Araw na Tweet sa Pag-ibig (May mga Guhit ni Hans Ericson Cayabyab)
Kung minsan, kailangan lang ng magpapaalala sa atin na nagmamahal tayo at minamahal tayo para magkaroon tayo ng panibagong lakas na maging malikhain sa araw-araw. Na sa gitna ng mga sakit at galit sa mga karahasang nangyayari sa kasalukuyan, mula mismo sa gobyerno at sa iba’t ibang dako, laging may puwang ang pagkilala sa kapangyarihan ng damdamin upang magbigay-saysay sa buhay. Tinitipon dito ang ilan sa mga tweet na iyon, na sinamahan ng mga larawang guhit ni Hans Ericson Cayabyab, para ipaalala sa atin sa bawat araw na nagsasalitan man ang ligaya at kasawian sa pagmamahal, laging may espasyo para kumatha at manindigan.
Picture of PDF: Anim na Pag-amin: Anim na Pagsisiyasat sa Wika, Pagkatha, at Pagkabansa
₱100

PDF: Anim na Pag-amin: Anim na Pagsisiyasat sa Wika, Pagkatha, at Pagkabansa
Narito ang una sa tatlong PhD comprehensive exams na kinuha ko noong 2009 bago mag-Ondoy. Wala na akong kopya ng mismong tanong pero narito ang mismong ipinasa ko kay Sir Jun Cruz Reyes. Wala akong binago (kahit typo, kung mayroon man) sa mismong isinulat ko noon, sang-ayon sa na-retrieve kong file mula sa Google Drive, kaya narito ang lahat ng posibleng pagkakamali at kahinaan mula sa mga kondisyon ng pagsagot ng pagsusulit sa panahong iyon––pangunahin ang limitasyon ng oras at ang aking kabataan.
Picture of PDF: Ang Pagsusulat Bilang Pagkadismaya: Nobelisasyon sa Ikatlong Daigdig Bilang Pagwasak
₱100

PDF: Ang Pagsusulat Bilang Pagkadismaya: Nobelisasyon sa Ikatlong Daigdig Bilang Pagwasak
Narito ang ikalawa sa tatlong PhD comprehensive exams na kinuha ko noong 2009 bago mag-Ondoy. Wala na akong kopya ng mismong mga tanong (bagaman may talababa na “Pinag-isang tugon ang buong sanaysay para sa mga tanong bilang 1 & 3 na ibinigay ni Dr. Teresita Gimenez Maceda”) pero narito ang mismong ipinasa ko kay Ma'am Tet Maceda––na nakalulungkot na namaalam noong 2019. Wala akong binago (kahit typo, kung mayroon man) sa mismong isinulat ko noon, sang-ayon sa na-retrieve kong file mula sa Google Drive, kaya narito ang lahat ng posibleng pagkakamali at kahinaan mula sa mga kondisyon ng pagsagot ng pagsusulit sa panahong iyon––pangunahin ang limitasyon ng oras at ang aking kabataan.
Picture of Kasaysayan ng Kalibutan (COMPLETE PDF!)
200₱100+

Kasaysayan ng Kalibutan (COMPLETE PDF!)
Kasaysayan ng Kalibutan ang kauna-unahang nobela ni Edgar Calabia Samar na naserye sa Liwayway mula Hulyo 2019 hanggang Hunyo 2021. Isa itong high fantasy na may kinalaman sa isang diwatang babagong natutuklasan ang mga lihim ng kanyang pagkanilalang at ng Kalibutan niyang kinalakihan.
Picture of 13 Tala sa Pagsusulat ng Kuwentong Pambata
₱100+

13 Tala sa Pagsusulat ng Kuwentong Pambata
Anim na pahinang panayam tungkol sa pagsusulat ng kuwentong pambata na ibinigay ko noong 22 Enero 2015. Nakita sa paglilinis ng digital files.
Picture of Mga Siyudad sa Hinagap
₱250

Mga Siyudad sa Hinagap
“Kapag naglakbay nang matagal ang isang tao sa mga rehiyong ilahas, makadarama siya ng pagnanasa sa isang siyudad,” salin ko sa sabi ni Marco Polo sa katha ni Italo Calvino sa bungad ng naturang malanobela—na isa sa mga paborito kong katha. Narito ang 147-pahinang salin ko sa Filipino sa buong Invisible Cities ni Italo Calvino.

Self-service ticketing system for all your events.

©2024 Snack. All rights reserved.

TwitterFacebookInstagram

Menu

Legal

Terms of ServicePrivacy Policy